KOBE BEAN BRYANT, 41

KOBE BEAN BRYANT, 41
DEAR BASKETBALL Kobe Bryant's legacy went beyond basketball, he became an icon of a generation in need of an identity
13 April 2010

Matapos ang halos limang buwan mula nang maganap ang Maguindanao masaker, marami sa mga pamilya ng mga biktima ang ngayo'y patuloy pa ring umaasa na mabibigyan ng hustisya ang mga napaslang sa araw na iyon, habang ang umano'y pangunahing suspect sa naganap na masaker na si Andal Ampatuan Jr. at ang tinatayang 166 na sangkot sa pagpatay ng 57 katao ay halos nananatiling at large pa rin hanggang ngayon.

Sadyang napakasaklap isipin na makalipas ng ilang buwan ang issue ng Maguindanao masaker ay tila nawawala sa sirkulasyon na para bang isang pangyayari na ibig kalimutan ng lahat. Siguro marahil ay nagkataon na tinutukan halos ng sambayanan ang nalalapit na eleksyon at ang paggugunita sa isang malupit na masaker ay magdudulot lamang ng isang negatibong imahe, hindi lamang sa isang eleksyon,kundi pati na rin sa buong sistema ng kasalukuyang pamahalaan.

Matatandaan na ilang araw matapos ang karumal-dumal na krimen na kung saan kumitil din ng at least 32 journalists, ay pinayagan umano ng Regional Trial Court ng Quezon City si Andal Jr. na makapag-piyansa sa posibleng Multiple Murder Case nito, na sadyang ikinabahala ng marami. Dahil dito, inihain ng iilang concerned citizens at civil societies ang kanilang protesta sa isang namumuong "white wash" na nagaganap sa hanay ng umano'y suspects sa pagpatay at pagtangkang paglibing ng mga sinasabing katunggali sa pulitika.

Ang Kidapawan pride na si Atty. Concepcion Jayme-Brizuela o kilala sa nickname na "Connie J" ay isa sa mga minasaker sa araw na iyon. Naway ang sinapit niya sa kamay ng umano'y private armies ng sinasabing makapangyarihan ng Maguindanao ay magsilbing palatandaan na ang sistema ng ating lipunan ay kontrolado pa rin ng iilan sa atin na may lubos na impluwensiya at connection sa isang mala-pribadong pamahalaan.

Si Connie J, na minsay naging journalist bago pa man naging isang abogado, ay hindi nakaligtas sa hamon ng lumalalang election-related violence na sadyang nagpapababa sa antas at kalidad ng eleksyon sa bansa magmula pa noong dekada 70. Ang problemang ito ay halos walang solusyon, walang sapat na tugon at walang malinaw na kasagutan upang maibsan ang patuloy na pagbubuwis ng buhay dahilan lamang sa isang walang kabuluhang away pulitika.

Sa isang forum na ginanap sa Davao City na pinamagatang,"Transforming Conflict and Rebuilding Peace toward Security Sector Reforms", inihayag ni Gen. Raymundo Ferrer, Eastern Mindanao Command ng AFP, na isa sa maaring solusyon upang ma-contain ang lumalalang away kultura at pulitika ng Mindanao ay ang pagkakaroon ng isang "conflict management", bilang gabay umano kung sakasakaling magkakaroon ng krisis ang ibat-ibang sector ng Mindanao.

Ang "conflict management" na ito ay hindi lamang pagpapatalsik ng umano'y masasamang elemento ng Mindanao na tulad ng kinamumuhiang private o mercenary armies, kundi ay ang pagbibigay ng ibat-ibang alternatibo tungo sa ika-uunlad ng isang kritikal na lugar na tulad ng Maguindanao. Ayon kay Gen. Ferrer, ang kapayapaan ay maipapakita din sa pamamagitan ng paglalaan ng pagkain sa mesa o di kaya'y pagprotekta ng mga isda sa dagat. Nais umano ni Ferrer, pati na rin ng ibang departamento ng pamahalaan, kabilang na dito si Defense Secretary Norberto Gonzales, na ang programang ito ay naglalayong mabigyan ng ibang solusyon ang problema ng kapayapaan sa buong Mindanao, hindi lamang sa pamamagitan ng armas kundi ay ang pagbibigay din ng mala-community service na tulong sa mga pinoprotektahan nito.

Ang pagkakasangkot ng AFP sa nasabing masaker, bunsod na rin sa umano'y illegal na procurement ng mga armas ng mga Ampatuan, ang posibleng magiging mitsa sa intensyon ng programang ito, pati na rin ang kawalan ng kanilang partisipasyon bilang escort ng mga Mangudadatu upang makapag-file ng COC, sapagkat hindi lingid sa lahat na sadyang matagal nang mainit ang hidwaan ng dalawang naghaharing pamilya ng Maguindanao, at ang pagtatalaga kay Major Gen. Alfredo Cayton, na umano'y involved sa nasabing masaker.

Ang kaso ni Connie J, kung ikukumpara sa ibang election-related incidents ay magmimistulang isang statistic lamang habang namimilegro itong maging isang "unsolved case" na naman. Kung ang "conflict management" ang pagbabatayan, kahit pa man itoy isang mainam na alternatibo tungo sa kapayapaan at kaunlaran, kung walang pag-aamin sa hanay ng mga responsable sa pagpatay ng isang naudlot na public servant, ilang miyenbro ng media at mga ordinaryong sibilyan, ay tiyak na magiging pabigat na naman ang nasabing programa upang ikubli ang ilang dekadang kultura ng impunity sa halos buong lugar ng Mindanao.

Maaring ilang masaker pa ang magaganap kung mananatili ang ganitong klaseng sistema na namumuo sa mga inatasang humawak nito. Naway gawin din ng bawat mamamayan, di lamang ang AFP, na magkaroon ng kani-kanilang "conflict management" upang sa ganun ay hindi na lulubo pa sa isang masaker ang kanya-kanya nating hidwaan. Kung ang isang Genalin Mangudadatu na may sariling kapangyarihan umano sa isang lugar na sinasakupan, o di kaya'y isang Connie J na tinitingala ng iilan bilang isang respetadong journalist at abogado, ang umano'y pinagbibintangang "threat" sa nakamumulatang political status quo ng lugar, paano na kaya ang mga ordinaryo at halos walang kapangyarihan sa ating lipunan?

Katulad ng isang circus na kusang bumabalik sa isang lugar pagkatapos ng isang taon upang makapagbigay aliw sa isang komunidad ang siyang nagsisilbing salamin, hindi dahil sa aliw na ibinibigay nito, kundi sa paulit-ulit na problemang hatid ng walang puknat na patayan sa pulitika. Kinakailangan nang magsara ang circus na ito upang bigyan daan ang isang new management na naglalayong tutukan ang namumuong conflict sa pamamagitan ng pag-aamin, pagsasa-ayos at pagpapahalaga ng buhay.

1 (mga) komento:

yamee said...

Just can't imagine how politics can do evil nowadays!