KOBE BEAN BRYANT, 41

KOBE BEAN BRYANT, 41
DEAR BASKETBALL Kobe Bryant's legacy went beyond basketball, he became an icon of a generation in need of an identity
15 August 2010

Aries (March 22 - April 20) - Kung hinihintay mo pa ang reply ng textmate mo, huwag mo na s'yang i-text ulit dahil mabubuking ka lang sa asawa niya.

Taurus
(April 21 - May 21) - Nais mong balikan ang numero na lumabas sa "last two" noong isang araw. Huwag mo nang balikan, please, baka sa susunod na taon ka pa mananalo.


Gemini (May 22 - June 22) - May makikita kang patay ngayong araw na ito kung sasadyin mong pumunta sa isang puneraria.


Cancer
(June 23 - July 23) - Marami kang dapat pasasalamatan, kung alam mo lang, lalo na sa mga taong pinag-uutangan mo.


Leo
(July 24 - August 23) - Ano ba ang pumasok sa kokoti mo na ika'y mag-aasawa na? Ang iba nga d'yan maghihiwalay na. Pag sure oi!


Virgo
(August 24 - September 23) - Kung ayaw mong pumasok sa trabaho ngayon, eh di huwag! Huwag mo namang pilitin ang sarili mo na mag-entertain ng tatlong customers sa loob lamang ng isang gabi. Di ba?


Libra
(September 24 - October 23) - Maghanda ka ngayon dahil may papasyal sa bahay mo. Huwag mo lang pakawalan ang aso at baka ang kolektor ng kuryente ang madidisgrasya.


Scorpio
(October 24 - November 22) - Ibig mong dispatsahin ang katulong mong tsismosa, kaya lang hindi mo alam kung paano mo gagawin. Kung sasabunutan mo s'ya, dapat kayo lang dalawa. Go!


Sagittarius
(November 23 - December 22) - Ano ba ang akala mo sa sarili mo, si Nora Aunor ka? Kung gagawa ka lang naman ng isang himala, sana hindi mo na lang ipinasok hanggang sa tiyan mo.


Capricorn
(December 23 - January 20) - Matagal ka nang hinahanap ng mga magulang mo, nababahala na rin ang buong barangay sa 'yo, at least sayang daw ang boto mo ngayong eleksyon. Pwede ba, umuwi ka na!


Aquarius
(January 21 - February 19) - Gamitin mo naman ang overpass dyan sa may Quezon Avenue. Paalala lang.


Pisces
(February 20 - March 21) - Ito lang ang masasabi ko sa 'yo, bubulaga ang araw bukas ng umaga at titiklop ito pagdating ng hapon.

0 (mga) komento: