FEMININE TOUCH No longer a statistic
|
Noong kasagsagan ng People Power Revolution noong 1986, ilan sa mga kritiko ng rehimeng Marcos ay sadyang kumbinsido na maaaring hamunin ng sino mang kandidato, kahit pa man itoy isang babae, ang pamahalaan dahil nasa sa kanya na ang suporta at tiwala ng mamamayan. Subalit pagkatapos ng nasabing rebolusyon hanggang sa katapusan ng termino ng yumanong pangulong Cory Aquino, ay nasaksihan din ng buong bansa ang kaliwat kanang coup d' etat na inihain kay Cory upang patalsikin siya sa puwesto.
Dalawa sa pitong coup d' etat na dinaanan ni Cory marahil ang halos magpabagsak sa kanyang pamahalaan, bunga na rin sa kawalan ng tiwala umano ng iilan sa kakayahan ng isang babae na maglingkod, dahilan upang nagpasya ang dating maybahay ni Ninoy na huwag ng tatakbo ulit bilang pangulo ng bansa.
Pero taliwas ito sa ikalawang babaeng nanungkulan bilang isang pangulo. Matapos iluklok sa puwesto, kasunod ng pagpapatalsik kay dating pangulong Erap, ay halos wala na itong planong umalis ng Malacanyang, kahit pa man binabato na ng fertilizer, sikretong tumatawag sa Comelec at nakikipag kiss-and-tell na sa kanyang ZTE partners, ay nais pa rin nitong bumaba ng kaunti upang manungkulan umano sa isang parliamentary form of government. Dahilan upang mag-alboruto ang lahat ng kritiko ng pamahalaan na pabababain siya ng Malacanyang at hindi sa isang entablado kung saan buong hayag niyang inilahad ang kanyang walang humpay na intensyon na manatili sa puwesto sa isang State of the Nation Address.
Ano nga ba ang meron sa isang babaeng pulitiko? Ayon pa kay Corazon Malanyaon, gobernor ng Davao Oriental, "Today's women in politics have learned to parlay what are perceived to be weaknesses of such such as being emotional, sentimental, sensitive, theatrical, vulnerable, and vain, into positive tools to see through the changes in policies and programs they espouse". Dagdag pa ni Malanyaon, iba ang tingin ng mga babae pagdating sa pulitika at itoy sa pamamagitan ng mga advocacy na kanilang isinusulong tulad na lang ng edukasyon, nutrisyon at kalinga sa mga bata, kung saan taliwas ito sa mga programa na ini-alay ng mga kalalakihan, tulad halimbawa ng peace and order, transportasyon at imprastractura.
Ayon pa sa Ingles, "the proof of the pudding is in the eating". Ating nasaksihan ang umanoy kawalan ng dating pangulong Cory na mamuno na tulad ng isang lihetimong pulitiko at ang kakulangan umano ni Gloria Arroyo na makinig sa hamon ng iilan na magbitiw. Kung sadyang na-iiba ang tingin ng kababaihan sa kasalukuyan nating pulitika, siguro marahil ay tingnan din natin kung papaano nila ihayag sa publiko ang kaibahan ng kanilang sistema kung sakaling silay pipiliin.
Kung ang pagiging "sentimental, sensitive at vulnerable," ang magiging daan upang magkaroon ng pagbabago sa sistema ng ating lipunan, ayon pa kay Malanyaon, siguro ay dapat palawakin din natin ng maiigi ang pagkakaintindi ng isang emosyon bilang puhunan sa isang public servant. Maaring isa ito sa mga kinakailangan sa panahon ngayon bilang isang pangulo, alkalde o di kayay isang gobernor na tulad ni Malanyaon, pero ang pulitika ay tumatakbo sa pamamagitan ng pagtitiwala ng lipunan sa isang pulitiko na mamuno hindi dahil sa kanyang na-iibang tingin sa sitwasyon ng pulitika kong hindi ay ang kanyang na-iibang gawa para sa ikauunlad ng kasalukuyang tingin ng pulitika.
Kung nagkakaroon ng ibang tingin ang isang babae sa larangan ng pulitika ay dahil na rin ito sa kanyang natatanging emosyon. Ang emosyon minsan ay nagbibigay ng ibang aspeto kung papaano patatakbuhin ang isang sistema, maging sa city hall man o sa Kamara. Itoy posibleng magbibigay ng makataong pakikitungo di lamang sa mamamayan, pati na rin sa kapwa nito pulitiko upang sa ganun ay mapapadali ang pagpapatupad ng mga proyekto ng pamahalaan.
Naway ang pagiging "emotional" umano ng kanilang sistema ay magsilbing daan lamang upang tugunan ang problema ng enerhiya, edukasyon, peace and order at kawalan ng trabaho kung sakaling silay ma-iluklok sa puwesto, sapagkat ang hamon ng kasalukuyang pulitika ay nangangailangan ng katatagan sa gitna ng matinding krisis at kaalaman kung paano iresulba ang nasirang imahe ng pamahalaan.
0 (mga) komento:
Post a Comment