KOBE BEAN BRYANT, 41

KOBE BEAN BRYANT, 41
DEAR BASKETBALL Kobe Bryant's legacy went beyond basketball, he became an icon of a generation in need of an identity
20 April 2012

(Essay written by Chris Panganiban, Columnist, Pilipino Star Ngayon-Middle East Edition)


CLINICALLY DEAD No longer a landmark in San Francisco, ADS

Mahigit isang buwan pa bago ako makauwi naman ulit sa aking taunang bakasyon. Pero sa ngayon pa lang, nadarama ko na ang matinding pangungulila. Kakaiba kasi ang naramdaman ko habang sinusulat ko ito nang nabasa ko ang isang post sa Facebook ng account namin na tinaguriang “San Francisco Literary Supplement”. Itoy’ tungkol sa isang photo essay ng anak sa kaibigan kong si Arvin na may pamagat na “My Last Day In our Old House.”

Malungkot ang mensahe ng napaskel na post at naantig ang aking puso sa mga nangyari sa isang lumang bahay sa aming bayan na giniba na sa pangalan ng pag-unlad daw. Hindi ko alam ilang taon ang anak ni Arvin but sa tingin ko lang ay nasa walong taon pa lang siya. Tiyak tinulongan naman siya ng ama niya sa pagsulat ng mensahe pero ang kuwento ay umiikot sa huling araw ng kanilang pagtira sa lumang compound na tinirhan sa pangatlong henerasyon nila na dati ay isang malaking clinic na naitayo mga tatlong dekada na ang nakalipas kung saan dito dumudulog ang aking ina upang magpagamot noon. Giniba na ang bahay diumano dahil may bumili at tatayuan ng isang malaking tindahan.

Ang gusaling ito ay isa sa mga natirang lumang edipisyo na nagunita sa aking alala kung gaano kasimple ang buhay noon sa aming bayan at halos ang lahat ng tao ay magkakilala pa. Lumaki ako ng ganito ang nakagisnan hanggang hindi mapigilan na unti-unti na kinakain sa limot ang mga mayamang kasaysayan at lokal na kabihasnan sa ngalan ng pagbabago at pag-unlad ng bayan.

Noong umalis ako higit sa tatlong taon nakalipas ay hindi pa naman ganito ang eksena na nakita ko. Ngunit tuwing umuuwi ako taon-taon ay mabilis ang mga pagbabago at naninibago talaga ako sa aking nasaksihan. Parang naramdaman ko na unti-unti na akong naging dayuhan sa aking bayan at napakarami na ang bagong salta at nagsusulpotan na ang mga bagong tindahan sa poblacion. May mga bagong mukha na rin na siyang naghawak sa munisipyo at naghahari pa lalo ang mga negosyanteng Taiwanese sa distrito ng kalakalan sa sentro ng aming bayan.

Mahirap at masaklap pala talaga ang maging OFW. Ako nga na taon-taon naman na may pribilihiyo na makauwi sa bakasyon ay makaramdam ng paninibago. Ano pa kaya sa iba na makauwi lang tuwing dalawang taon base sa kanilang kontrata? Wala naman talaga kinalaman sa re-integration program ng gobyerno ito. Iba kasi ang sitwasyon na naramdaman ko lalong lalo na nang umalis ako noon na mabigat talaga ang paa dahil napamahal na ako sa aking trabaho na nag-iisang kilalang peryodista sa aming bayan na nakaukit ng pangalan sa pambansang pamantalaan. Mahal ko ang aking bayan dahil dito nahubog ang aking talento at propesyon sa mahigit dalawang dekada. Hanggang ngayon halos araw araw ay nahohomesick ako lalo nat kung may mababasa akong mga malungkot na balita sa irog kung bayan, ang aking tahanan kung saan naiwan pa rin ang aking puso. Ganun din po ba ang nararamdaman ninyo tulad ko? 


0 (mga) komento: